Press Briefing with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Sunday, September 1, 2013

OPENING REMARKS 

USEC. VALTE: Bago po tayo sumagot ng inyong mga tanong, meron lang po tayong mga anunsyo, mga appointment, kasama na din po diyan ‘yung good news. 

NAME

POSITION 

Manuel P. Albaño
Fiel Y. Almendra
Rebonfamil R. Baguio
Nicolas T. Capulong
Evelyn R. Fetalvero
Roy Angelo E. Gazo
Victoria V. Gazo
Danilo S. Gutierrez
Teresa D. Madaba
Mariza S. Magan
Rene R. Merioles
Lorlinie M. Ortillo
Rhoda T. Razon
Bebiano I. Sentillas
Schools Division Superintendents, DepEd
Amelia P. Torralba Acting Schools Division Superintendent, DepEd
Natalio C. Ecarma III Undersecretary, DND
Lino H. Dabi
Edwin R. Lopez
Jaime Fortunato A. Caringal
Assistant Secretaries, DOTC
Rodora T. Babaran
Benilda E. Redaja
Vincent Andrew T. Leyson
Georgina Ann H. Hernandez
Directors IV, DSWD
Soccoro P. Lupisan Director IV, DOH
Edna M. Mabeza Director IV, DA
Mylah Faye Aurora B. Cariño Director III, NEDA
Armand Patrick R. Salamat Director III, DepED
Jennifer J. Tan Acting Director III, DOF
Constante A. Llanes, Jr. Acting Director III, DPWH
Eulogia M. Cueva Member, Road Board, Representing the Transport and Motorist Organizations, DPWH
Sheila S. Centino Deputy Executive Director, Performance and Projects Management Office, OCS
Algamar A. Latiph Chairperson, Regional Human Rights Commission, ARMM
Polyanna G. Escano Chairperson, Board of Physical and Occupational Therapy, PRC
Valentino M. Mangila Chairperson, Board of Master Plumbers, PRC
Pedrito D. Camilet, Jr.
Prospero A. Abellano
Members, Board of Master Plumbers, PRC
Teresita R. Yambot
Mary Rose S. Paredes
Maria Elizabeth B. Valconcha
Members, Board of Optometry, PRC
Alnar L. Detalla Chairperson, Board of Electronics Engineering, PRC
Herminio J. Orbe
Enrico Claro R. Delmoro
Members, Board of Electronics Engineering, PRC
Rosario Virginia C. Gaetos Member, Representing the Private Sector, Board of Governors, Center for International Trade Expositions and Missions, Inc. (DTI)
Carmina B. Alonzo Director IV, CHED
Marissa P. Cerezo Acting Director III, Renewal Energy Management Bureau, DOE
Angela B. Abiqui Acting Director III, DPWH
Ronald A. Naguit Executive Director, Pasig River Rehabilitation Commission, DENR
Florenz B. Hipe Provincial Agrarian Reform Adjudicator, Agrarian Reform Adjudication Board, DAR
William K. Hotchkiss Member, Board of Directors, CAAP

Syempre, ano ho ba ‘yung mga magandang balita ngayon? Noong nakaraang linggo, ‘yung 7.5 (percent) second quarter GDP po ng ating bansa; at, ano na po ito e, this is the fourth consecutive quarter that our GDP has been expanding above seven percent. Ang tina-target po kasi natin—sorry—ang nagiging experience na po natin, laging above six percent ang nagiging growth po ng ating bansa.

Susunod po dito, ‘yung 13,966, ito po ‘yung target number of permanent disaster-resistant homes to be built in Compostela Valley at sa Davao Oriental po ‘yan para po—by the end of the year, para po ‘yan doon sa mga naging biktima ng typhoon ‘Pablo’.

Ang nangunguna po sa rehabilitation project na ito ay ang DSWD at ‘yung dalawang pamahalaang lokal po ng ComVal at ng Davao Oriental. Marami pa hong ibang mga bahay pa na tina-target ho nating maitatayo next year.

Susunod naman po, ‘yung P20,000, ito po ‘yung halaga that can be availed of by teachers and non-teaching personnel who are directly affected by tropical storm ‘Maring’ and the habagat monsoon rains by means of a calamity loan from the Department of Education. So ito pong loan na ito payable po ito in equal monthly—in 24 equal monthly installments for two years.

At ‘yung pang-apat naman po na magandang balita ay natanggal na po ang Pilipinas doon sa listahan po ng France na—‘yung list of uncooperative tax havens po nila. So natanggal na po tayo, hindi na po tayo non-cooperative jurisdiction sa paningin po ng French government. Noong August 29 po nila nai-release ‘yung listahan nila ng mga natitirang blacklist of non-cooperative jurisdiction.

So ‘yon po ‘yung mga magagandang balita at mga appointment po natin for today—the first day of September for 2013.

Q & A:

Montano: Ma’am, follow up lang doon sa appointments, wala pa ‘yung kina dating Senador Ping Lacson at dating Senador Kiko Pangilinan?

USEC. VALTE: Wala pa naman po kaming nakukuhang papel to that effect.

Sebastian: First question po galing kay Rose Novenario ng Hataw. Sabi po niya, pabor po ba ang Palasyo sa scenario na kasong bribery lang ang maisampa laban kay (Janet Lim) Napoles at makalaya rin siya agad kapag ikinanta niya ang mga opisyal ng gobyerno na sinuhulan niya para masungkit ang mga kontrata ng mga proyektong pinondohan ng pork barrel? 

USEC. VALTE: ‘Yung dapat pong isampang kaso ay kung ano ho ‘yung base doon sa ebidensya. At dahil nakakasa na nga ho ‘yung pagfa-file ng Department of Justice, ayaw din po nating i-preempt ito, at hihintayin na lang din po natin ‘yung magiging resulta ng kanilang imbestigasyon dahil malinaw po ang atas ng Pangulong Aquino sa kanila: pupunta tayo kung saan tayo dadalhin ng ebidensya. 

Fernandez: Yes, Ma’am, meron po dito sa isang newspaper na nakalagay “PNoy smells rat in the NBI”, Ma’am. How would you consider this—‘yung sinasabi dito sa newspaper? Palace reaction.

USEC. VALTE: Ano po, malinaw naman po din ang sinabi ng Pangulong Aquino diyan… Are you well, Vanz? You sound like you are under the weather. 

Fernandez: Yes, Ma’am. I am not feeling well.   

USEC. VALTE: You’re not feeling well. I hope you feel better soon, Vanz. I can hear it in your voice. 

Regarding your question, ano po ‘yan, sinabi naman ng Pangulo ‘yung circumstances kung ano ho ‘yung nangyari ‘nung huling—Thursday po ba o Wednesday? At siguro hintayin… Katulad po ng sinabi ng Pangulo, hintayin na lang ho natin, ayaw ho nating i-preempt ‘yung filing of charges. I’m sure curious po kayo kung sino po ba ‘yung pinararatangan. Hintayin na lang natin po ‘yung magiging pagsampa ng mga kaso.

Montano: Pero safe bang sabihin na despite this story, unveiling story, mukhang may nangyari diyan dahil na-pick up na ng ilang mga nag-stake out doon sa mga hinihinalang tahanan ni Napoles ay ilang NBI officials. So safe po bang sabihin natin, nitong Palasyo ng Malacañang, na ‘yung trust and confidence nitong si Justice Secretary Leila de Lima?

USEC. VALTE: Ay, opo, wala naman po tayong… Wala ho tayong question doon sa trust and confidence ng Pangulo kay Secretary De Lima. 

Montano: Okay. Kasi parang nagtataka nga ‘yung ilan o marami kung bakit nga sa PNP pa dinala at hindi sa NBI gayong ‘yung NBI na ang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol naman doon sa P10-billion pork scam. Kasama sila doon sa inter-agency na nag-iimbestiga po dito. 

USEC. VALTE: Alam mo, hindi naman—sorry, ano. As a matter of… As a general rule, kapag may warrant naman hong na-issue, lahat naman po ng law enforcement authorities ay naaatasang maghanap in accordance with the warrant. 

At sinabi nga rin po ng Pangulo that the Secretary of Justice was apprised, also, of the developments. At sinabi rin naman po ni Secretary De Lima ‘yon at, I think, na-explain na rin naman po nang mariin at nang mabuti ng Pangulo kung ano ho ‘yung mga dahilan or the events leading up to that Wednesday evening. 

Montano: So ibig sabihin… May timeline po ba tayo dito sa pag-file ng kaso doon sa sinasabing dalawang opisyal ng NBI? 

USEC. VALTE: Wala pa hong nababanggit na strict timeline or deadline ang Department of Justice. Ngunit halata naman ho din sa kanila na ‘yan po ang mga priority po nila. 

Sebastian: Meron po tayong text question dito, ang sabi, Representative Toby Tiangco said Secretary (Edwin) Lacierda should be held liable for harboring a criminal from the time he met with Napoles until she was brought before the President in Malacañang. It was the court, not the President, who had ordered her arrest. Ano po ang reaksyon natin dito? 

USEC. VALTE: Well, that is correct. It was the court that ordered the arrest. It was a voluntary surrender and she was immediately turned over to the lawful authorities. 

Fernandez: Yes, Ma’am. ‘Yung regarding dito sa sinabi natin sa NBI, sususugin po ba ng ating Pangulo or the DOJ, who’s in charge of this, na may mga ghost projects daw po dito? 

USEC. VALTE: Sa NBI? 

Fernandez: Yes, Ma’am.   

USEC. VALTE: Hindi ko po alam. Titingnan po natin kung ano ho ‘yung scope ‘nung naging pagtingin ng DOJ diyan. But, certainly, we’ll also pass on the message to Secretary De Lima kung may sinasabi daw pong mga ghost projects diumano sa NBI. 

Sebastian: Question po mula kay Gen Kabiling. Sabi niya, is the Palace now content that Napoles is detained in Fort Santo Domingo? Safe na po ba siya doon? And will the President order a revamp in the NBI since he doesn’t trust some people there? 

USEC. VALTE: ‘Yung sa revamp, hindi ko po alam. Katulad ng sinabi ng Pangulo, hintayin po natin ‘yung mga magiging pagsasampa ‘nung kaso kung sino ho at kung—‘yung kasama at hindi kasama doon. 

Doon sa mga arrangement, iiwanan ko ho ‘yan doon… Ang atas ho kasi ng Pangulo ay siguraduhing secure at wala hong mangyayari, so that si Napoles can be brought under legal process and para gumulong ho ‘yung mga kaso laban sa kanya at kung sino pa ho ang mga maisasama diyan.

Iiwanan na ho natin doon sa PNP kung ano ho ‘yung mga nagiging assessment nila. She was already transferred this morning at tingnan po natin ‘yung magiging assessment pa ng PNP moving forward doon sa kanyang security situation.

Montano: ‘Yung tungkol naman po dito sa social fund ng Pangulo, although nasagot na rin natin ito, ‘yung paggamit ng Pangulo dito sa tinatawag ng iba na ‘presidential pork’ na gustong ipaalis na rin nila. At sa isang ulat kasi ay binanggit na P5-billion mula sa PAGCOR ang makukuha ng ating Pangulo. Tinitiyak naman natin siguro na transparent itong paggamit ng Pangulo sa naturang malaking pondo? 

USEC. VALTE: Oo, tama ‘yan, Ka Efren. Tinitiyak natin na transparent at tama ho ‘yung paggamit dito sa pondong napupunta doon sa President’s Social Fund. At makikita po natin ‘yan mula ho [sa] mga COA report noong 2010, nandiyan ho kung paano—kung ano ho ‘yung mga pinagkuhanan diyan, kung magkano na ho ‘yung balanse. 

At kung iti-trace ninyo, makikita ho natin na lumalaki ‘yung nagiging pondo dahil hindi naman po siya nagagamit taun-taon—hindi siya nasasagad taun-taon at nare-replenish pa po siya nang nare-replenish. So, by this, nakikita po natin na judicious ang paggamit ng Pangulo diyan sa pondong ‘yan.

Montano: So ibig sabihin hindi makatwiran na ito ay isabay doon sa pagtanggal doon sa pork ng ating mga mambabatas—itong tinatawag na ‘presidential pork’? Hindi logical o hindi makatwiran. 

USEC. VALTE: Sa amin ho kasi, malinaw ho ‘yung dahilan kung bakit nagkaroon ng mga panawagan na i-abolish ‘yung PDAF, dahil nakita ho natin ‘yung misuse, ‘yung pag-abuso, katulad ng sinabi ng Pangulo, na may iba hong inisip na talagang ‘yung pondong ‘yan ay kanila lamang at talagang they did as they wish na labag naman po sa batas.

Dito ho sa atin, naging—patuloy hong nagiging maayos ang paggastos ng Pangulong Aquino dito ho sa pondong ito, specifically, doon sa Presidential Social Fund. At nakikita po natin lahat ng kinukuha naman diyan, ‘yung mga nagiging donasyon po kapag nagkakaroon ng calamity na minsan nanggagaling din po diyan; meron hong ‘yung mga assistance natin, again, doon sa pamilya ng mga sundalong namamatay ho habang sila’y nasa—nagkakaroon ng engkwentro o nasusugatan sa isang engkwentro, diyan ho natin ‘yan kinukuha. 

At parang wala ho akong naririnig na nagsasabing mali ho ang naging paggamit ng Pangulong Aquino diyan sa pondong ‘yan, hindi kayo transparent, wala hong nagsasabi ‘non. Parang hindi ko ho… Hindi ho namin alam kung nagiging deflection lang po talaga ito ng isyu o talagang meron lang hong—there are groups who are taking advantage of this to try to bring down the image of the President.

Sebastian: On another topic po. Given the imminent situation of war in Syria, US Defense Secretary Chuck Hagel said na hindi po… Walang balak ang US na magtayo ng US bases. Ang Pilipinas po ba ay magiging staging area in case po na magkaroon na ng full-blown war—the staging area po of US ng mga military nila para po atakihin ang Syria. Would we allow it?

[-line cut-] 

USEC. VALTE: Patuloy ‘yung pagdating ‘nung ating mga kasamahang OFW mula ho sa Syria, nasa may 4,000-plus na po ‘yung nare-repatriate po natin, and we will continue to facilitate the repatriation of our citizens who are there in Syria.

Sebastian: Doon po sa sitwasyon po na baka ang Pilipinas ang maging staging area ng US forces ‘pag inatake na po nila ang Syria. Papayagan po ba natin ito? 

USEC. VALTE: Parang espekulasyon naman po yata ‘yon at this point. 

Fernandez: Pero as of this time wala po ba kayang mga Pilipino na napasama diyan? 

USEC. VALTE: Wala pa naman po tayong nakukuhang report. Ngunit umaasa ho tayong wala naman pong madadamay diyan. Wala pa hong report na binibigay ang Department of Foreign Affairs. The last report that they gave was ‘yung additional na mga dumadating mula po sa Syria. 

Montano: But certainly mino-monitor natin closely itong sitwasyon? 

USEC. VALTE: Oo, syempre. Yes, certainly, we are closely monitoring the situation. 

Sebastian: Should the military action escalate po ba, tapos nag-imbita ng coalition—international coalition—pwede po bang magpadala [ng pwersa] ang Pilipinas? 

USEC. VALTE: Hypothetical for now. Hypothetical for now, Albert. We don’t want to get into that yet. ‘Yung concern natin is to get our people home from there, as has been our concern from Day One, mula ho ‘nung nagtaas tayo ‘nung mandatory evacuation or repatriation doon. 

Fernandez: Yes, Ma’am, last na lang po. Until now, there was no poor case—until this late date no case has been filed against (Napoles) in connection with pork barrel. Kay Janet Napoles po ito, no case has been filed against her in connection with the pork barrel [scam] that she allegedly profited in connivance with a slew of lawmakers and other co-conspirators. Any reaction po? 

USEC. VALTE: Tama ‘yon, Vanz. Meron namang mga nakaamba nang kaso na ifa-file. Kung ano ‘yung mga kasong ‘yon at kung sino ‘yung mga masasama, hintayin na lang po natin sa pagbaba po—paglatag po ng Department of Justice ng mga charges. 

Fernandez: Okay, thank you very much, Ma’am.

Montano: So parting message, Ma’am. Wala nang mga katanungan at medyo ilang minuto na lang po tayo sa ating palatuntunan. 

USEC. VALTE: Again, salamat po doon sa mga nagtanong, nagpadala ho ng tanong, at siguro ho, dahil mainit pa ho ‘yung usapan dito sa PDAF, meron hong hinandang mga materials o isang page ang Official Gazette (www.gov.ph). Ang title po ng infographic ay ‘After PDAF,’ what the government will do after abolishing the pork barrel, at mas mabuti rin pong ito ho ‘yung ipagpatuloy natin pong pagbasa para mas marami pa ho tayong nakikita kung ano na ho ‘yung mga ginagawa ng ating pamahalaan pagkatapos po ng pag-abolish ng Pangulong Aquino dito sa pork barrel. 

So maraming salamat po sa pagkakataon muli, sa Sunday habit, and I hope that everybody enjoys the rest—what’s left of your Sunday.

Sebastian: Ma’am, pahabol lang isang question. A security guard is tortured and arrested by AFP matapos pagkamalang high-ranking officer ng CPP. He was said to be a victim of mistaken identity and was later released. Hindi po ba malinaw na kapalpakan ito ng military lalo na sa kanilang intelligence? Hindi ba dapat tingnan ito ni President bilang Commander-in-Chief dahil sabi nga niya nasa tuwid na daan na tayo pero baluktot pa rin ang ginagawa ng mga sundalo? 

USEC. VALTE: Let me verify that. Let me verify that with the AFP kung ano ho ‘yung case na ‘yan at kung ano ho ‘yung nangyari and we’ll allow them—we’ll let them release the details, if (there are) any. So, sige, can I look into that first because I have not come across that particular report.

 

-END-