Radio Briefing with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Sunday, October 6, 2013

OPENING REMARKS 

USEC. VALTE: Magandang tanghali po sa inyong lahat, sa mga nakikinig po sa atin dito sa Radyo ng Bayan, at sa mga kasamahan po natin sa Malacañang Press Corps na marami po ay ngayo’y nagko-cover sa pagtungo ng Pangulong Aquino sa Bali, Indonesia para naman po sa APEC Summit. 

So we got word that the President has already arrived in Bali. Dumating po sila doon mga kani-kanina lang ho at sa mga nagtatanong, unahin na po natin ito. Nagtabi na po tayo ng P14.3-million para ho doon sa dalawang pag-alis ng Pangulong Aquino, magkadikit po ito, ang pagpunta ng Pangulo sa Bali, Indonesia at ang pag-attend po ng Pangulo sa 23rd ASEAN Summit and Related Meetings diyan naman po, October 9 and 10, sa Brunei Darussalam.

Continue reading

Press Briefing with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Friday, Friday October 4, 2013

OPENING STATEMENT:

USEC. VALTE: Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ako po si Usec. Abi Valte mula po dito sa working area ng Malacanang Press Corps at magandang tanghali sa inyong lahat. At bago po tayo sumagot ng inyong mga tanong meron lang po tayong mga kaunting anunsiyo.

Una, meron po tayong mga appointments na ibibigay ko nalang po sa inyo mamaya. Sa mga iba-iba po itong office of the city prosecutor at mga iba pong GOCCs. Pangalawa naman po, napirmahan na po ng Pangulong Aquino iyong proklamasyon declaring October 15 as a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Adha or the Feast of Sacrifice. Kahapon po ito napirmahan ng Pangulo at pinoproseso pa ho kaya wala pa ho siyang proclamation number. Mamaya po ibaba po natin agad kapag nabigay na po iyong kumpletong dokumento mula ho sa office ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.

Susunod po diyan, pinirmahan din po ng Pangulo kahapon iyong batas na nagpo-postpone sa SK elections nitong darating sana na October 28. Ang buong pangalan po ng  batas ay “An Act to Postpone the Sangguniang Kabataang Elections on October 28, 2013 Amending for the Purpose Republic Act 9340 and for other Purposes”.

So pinirmahan din po ito ng Pangulong Aquino kahapon at ibababa po namin sa inyo ang kumpletong dokumento kapag naproseso na po siya ng pinal.

Meron po ba tayong mga katanungan?

Continue reading

Radio Interview with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Sunday, September 22, 2013

OPENING REMARKS 

USEC. VALTE: Just a few updates before we take your questions: According to the state weather bureau, or PAGASA, all public storm warning signals are now lifted because typhoon ‘Odette’ is out of the Philippine Area of Responsibility. 

However, nae-enhance pa rin po ng, ano, ‘yung southwest monsoon kaya we are experiencing a bit of rain, if you noticed, since last night and which is why, also, PAGASA has raised the yellow rainfall advisory over Metro Manila and some of the neighboring provinces, and we expect (that—) some of these rains to continue for at least the next two hours or so.

Continue reading

Radio Interview with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Sunday, September 15, 2013

Q & A: 

Sebastian: Ano po ang ating latest update ukol po diyan sa nangyayari sa Zamboanga City? Ano na po ang mga bagong pangyayari diyan? 

USEC. VALTE: Wala pa naman ho tayong masyadong mga update po diyan. Ang importante ho ay ‘yung… Ang continuing instruction ng Pangulo is to take care of the evacuees, lalo na ho ‘yung mga lumilikas mula ho doon sa mga apektadong barangay, we continue to take care of their needs.

At salamat din po doon sa mga maraming tumutulong na mga galing pong Zamboanga City. Lalo ho, kasi nabanggit nga ni Secretary (Corazon) Soliman na nagbibigay din po—apart from ‘yung shelter—ay nagbibigay po ng mga hot meals at tumutulong po doon sa pagluluto at pag-a-attend doon sa mga evacuees po natin.

Maraming salamat at maraming hong tumutulong at nagpi-pitch in ‘yung mga may-ari ho ng restaurants doon. Nagpapadala ho sila ng mga tao at ng mga kagamitan para matulungan ho ‘yung pag-facilitate ng mga pagluluto ng hot meals po natin doon.

Continue reading

Radio Interview with Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte on Saturday, August 17, 2013

OPENING REMARKS

USEC. VALTE: Hi, Marie, magandang umaga. Magandang umaga rin sa’yo, Malou, at si Lanie. Magandang umaga sa mga nakikinig sa atin sa Radyo ng Bayan at sa mga kasamahan natin sa Saturday Group ng Malacanang Press Corps.

So, Marie, bago tayo sumagot ng inyong mga tanong, just a couple of updates from our end. We were notified last night that an incident had happened between two vessels diyan po sa vicinity ng Lawis Ledge sa Talisay City, Cebu, involving MV Sulpicio Express 7 at ‘yung MV St. Thomas Aquinas 1. So nakakakuha na po tayo ng updates and all the search and rescue assets are concentrating on the rescue because, I think, may kausap na kayo kaninang nag-u-update sa inyo doon sa mga pangyayari. At so far, may mga missing pa po tayo. While… Officially, we have the numbers of…

As of 7 a.m. po kasi kanina, ito ho ‘yung official report sa amin, may 24 persons that are confirmed dead, may 572 passengers po na na-rescue, ngunit meron pa hong 274 na missing. I’m sure po na tumataas na ho ‘yung number of passengers na nire-rescue as we speak. But, ulitin ko lang po na ‘yung mga figure na ‘yon ay nasa—good po ‘yon as of 7 a.m. so we’re also waiting for additional updates on this, at nandoon na po ‘yung… Nag-mee-meeting po sila doon ngayon kasama ‘yung Coast Guard, ‘yung mga different search and rescue assets po natin; kasama po diyan ‘yung sa Bureau of Fire Protection sa Talisay, ‘yung sa CENTOM, ‘yung AFP Search and Rescue Group, pati ho ‘yung mga LGU disaster volunteers at ‘yung mga different…’yung sa DOH din na po na All Terrain Medical and Relief Organization, nandiyan na rin po ‘yan, pati ho ‘yung mga teams ng DOH, nandoon po to lend their expertise to the situation.

So you’ll be getting more updates as they come.

Continue reading